PUMAYAG na ang Ministry of Agriculture and Food Security ng bansang Malaysia sa temporaryong importasyon ng mga itlog ng manok sa ibang bansa gaya ng India.
Ito’y para matugunan ang anila’y shortage ng suplay ng itlog sa bansa sa mga nakalipas na buwan.
Matatandaang naghigpit ang Malaysia sa pagpapasok ng mga itlog sa bansa upang makaiwas ito sa kasalukuyang mga sakit na dala ng manok at maging sa ibang mga hayop gaya ng salmonella, newcastle at avian influenza.
Ire-review naman ng bansa ang pagpapahintulot na ito kung magiging stable na ang lokal na suplay nila.