Malaysian firm, lumagda ng kasunduan para kumpunihin ang bagon ng LRT sa Pilipinas

Malaysian firm, lumagda ng kasunduan para kumpunihin ang bagon ng LRT sa Pilipinas

NAKIPAGSOSYO ang Hartasuma Sdn Bhd ng Malaysia sa Philippines-based infrastructure holding company na Metro Pacific Investments Corp (MPIC) upang mas mapaunlad ang imprastraktura ng LRT sa Pilipinas.

Ang Hartasuma Sederian Berhad ay isang nangungunang integrated rolling stock at kompanya rail services sa rehiyon.

Ito rin ang kompanya na nagsusuplay sa LRT sa Malaysia sa Prasarana Malaysia Berhad at Keretapi Tanah Melayu Berhad sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay MPIC Chairman, Pres, at CEO Manuel V. Pangilinan, inaasahan nila na marami silang malalaman at matututunan mula sa mahigit 28 taong kadalubhasaan ng Hartasuma sa rail engineering at transport industries.

“We look forward to learning from the expertise of Hartasuma’s over 28 years in the rail engineering and transport industries, and to applying these lessons to our operations in the Philippines. There is a lot for us to share. Together, we intend to explore innovations that can help us build the transport infrastructure of the future,” saad ni Manuel V. Pangilinan, MPIC, Chairman, President at CEO.

Ang strategic partnership na ito ay magbibigay daan para sa magkakaibang mga inisyatiba, kabilang ang pagbuo ng rolling stock refurbishment projects sa Pilipinas at ang paggalugad ng mga cable car system para sa turismo at urban na transportasyon.

Sa ilalim ng kasunduan, sinabi na ang dalawang kompanya ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa pagtukoy ng mga prospective na joint dev’t at joint venture projects.

Ayon pa sa MPIC, ang mga pakikipagsapalaran na ito ay hindi lamang magbabago sa tanawin ng transportasyon ng bansa ngunit makatutulong din sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kasanayan, paglikha ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino, at pagpapahusay ng mga kakayahan sa lokal na pagmamanupaktura at supply chain.

Follow SMNI News on Rumble