Malaysian investor, natuto na sa kontrobersiya ng kanilang sovereign fund at magiging maingat sa pag-invest sa MIF—PBBM

Malaysian investor, natuto na sa kontrobersiya ng kanilang sovereign fund at magiging maingat sa pag-invest sa MIF—PBBM

IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na interesado ang mga Malaysian investor sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Pero nilinaw ng Chief Executive na ang nais ng mga nasa private sector na malaman muna ang ilang mahahalagang detalye bago sila mag-invest sa Maharlika Fund.

Nanindigan naman si Pangulong Marcos na hindi mangyayari sa Maharlika Investment Fund ang nangyari sa sovereign fund ng Malaysia na naharap sa kontrobersiya.

At dahil sa karanasang ito, nakikita ng Pangulo na mas maingat ang mga Malaysian investor sa paglagak ng anumang puhunan sa mga kahalintulad ng sovereign fund.

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang nangyari sa 1 Malaysian Development Berhad (1MDB) ay hindi magiging kasiraan para sa Maharlika Fund.

“Their experience here is not going to be a detriment. In fact, it is a way for them to — they are the most careful of all. Hindi mag-i-invest ‘yan kung nakita nila, “naku! Pareho ito doon sa naging problema dito”.  So, as long as you can assure them that what their poor experience was here, the terrible things that happened here, hindi mangyayari sa fund natin and that,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Nagbigay naman ng katiyakan si Pangulong Marcos na ang Maharlika Fund ay papatakbuhin ng mga propesyunal.

“Again, if you remember, I am consistently saying it is going to be run professionally and without undue political influence. And of course, the government has an interest in the fund so we have a representative on the board. But on the day-to-day decisions as to what investments are to be made, it is left to those financial managers that we will be putting into place,” dagdag ni Pangulong Marcos.

State visit ni PBBM sa Malaysia, inaasahang magdudulot ng mahigit 100k na trabaho

Nakikita naman ni Pangulong Marcos na magdudulot ng mahigit 100,000 trabaho mula sa 285 million investment fund na nakuha ng Marcos administration sa tatlong araw na state visit ni Pangulong Marcos.

“We don’t have a number as yet because we – kakapirma lang. So, we will have to make the assessments. But I’m talking at the very least tens of thousands if not over more than 100,000 jobs here. Even especially during the construction phase but then hopefully even during the operational phase, the downstream, upstream and downstream jobs will also increase and will maintain that job employment rate,” ayon sa Pangulo.

Isyu ng Sabah, hindi masyado natalakay sa state visit sa Malaysia

Kaugnay naman sa issue ng Sabah, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ito masyado pinag-usapan sa kaniyang pagbisita sa Malaysia dahil hindi naman aniya ito mareresolba ng agad-agad.

Kaya mas sumentro ang usapin sa mga usaping gaya ng trade at pagpapalakas sa BARMM.

“I mean, it’s clear to all the parties involved na hindi naman maide-decide ‘yan ngayon kung mag-uusap. We will have to do something much, much larger and much more involved than just a quick discussion na 5, 10, 15-minute discussion with the leaders. So, the consensus is that we just talk about everything else. We talked about trade, we talked about the health that Malaysia has been providing, the development of the BARMM, we talked about again the people-to-people side of our relationship,” aniya.

PBBM, binisita ang hari ng Johor Baru bago bumalik ng Pilipinas

Bago lumipad pabalik ng Pilipinas ay binisita muna ni Pangulong Marcos ang kaniyang kaibigan na si Sultan Ibrahim Sultan Iskandar na siyang hari ng Johor Baru.

Ginanap ang pagkikita nina Pangulong Marcos sa hari ng Johor Baru sa Istana Bukit Serene.

Kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Marcos-Araneta.

Pang. Marcos, nakabalik na sa Pilipinas matapos ang tatlong araw na state visit sa Malaysia

Samantala, nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Marcos Huwebes ng gabi.

Nagpunta sa Malaysia si Pangulong Marcos upang mas buhayin pa ang diplomatic relations nito sa Pilipinas.

Sa katunayan ang Malaysia ang top 10 trading partner ng Pilipinas at ika-22 bansang pinagkukunan ng approved investment para sa taong 2022.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble