‘Malaysian mothers’, umapela sa citizenship ng kanilang anak na ipinanganak sa ibang bansa

‘Malaysian mothers’, umapela sa citizenship ng kanilang anak na ipinanganak sa ibang bansa

UMAPELA sa konstitusyon ang mga Malaysian mothers na gawing Malaysian citizen ang kanilang mga anak.

Inihayag ni Datuk Seri Hamzah Zainudin na karapatan ng mga Malaysian mothers na maging Malaysian citizen ang kanilang mga anak kahit ipinanaganak ang mga ito sa ibang bansa.

Ayon kay Hamzah, kinakailangang baguhin ng federal constitution ang kanilang patakaran ukol sa kababaihang Malaysian na nakapag-asawa ng banyaga na may mga anak na ipinanganak sa ibang bansa.

Aniya, iminumungkahi na kumuha ng pahintulot ng Malay rulers ang mga ito alinsunod sa article 159(5) ng konstitusyon.

“The ministry plans to bring up this matter so that a new policy can be (formulated) by the government to amend the constitution to make it easier for mothers who give birth to their children abroad even when they are married to foreigners,’’ayon kay Zainudin.

“At the same time, this matter needs the approval of the Council of Malay Rulers in line with Article 159(5) of the Federal Constitution,”dagdag nito.

Matatandaan na noong Setyembre 9 ay nagpasya ang high court na ang pagiging Malaysian citizen ay nararapat na ibigay sa mga batang ipinanganak ng Malaysian mothers sa ibang bansa .

Ngunit umapela ang gobyerno noong Setyembre 3 laban sa desisyon ng mataas na korte.

Samantala, nagdulot ito ng kaguluhan mula sa maraming partido kung saan ayon sa mga ito dapat pantay lamang ang karapatan ng babae sa lalaking Malaysian na nakapag-asawa ng dayuhan.

SMNI NEWS