MARAMING mga maliliit na establisyimento ang nagsarado dahil sa paglaganap ng pekeng persons with disabilities (PWDs) cards.
Sa paliwanag ng Restaurant Owners of the Philippines (Resto PH), ang mandatoryong 20 percent discount para sa PWD cardholders ay hindi sinusuportahan ng gobyerno at solo lang itong sinasagot ng mga restaurant.
Ibig sabihin, sa bawat pekeng discount na kanilang ibinigay ay makakaapekto talaga sa kanilang negosyo.
Sa ngayon ay ipinanawagan ng Resto PH ang patas at tamang implementasyon ng PWD discount at maseserbisyuhan ang totoong mga benepisyaryo.
Noong nakaraan, ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian na nawawalan ang gobyerno ng P88.2B na tax revenues dahil sa paglaganap ng mga pekeng PWD identification cards.
Batay sa sa ipinakita pa ng Department of Health (DOH), nasa P1.8M lang ang registered PWDs sa bansa noong Nobyembre 2024.
Ngunit sa impormasyon na nakalap ng senador, nasa P8.5M ang fake PWD IDs sa kasalukuyan.
Maliban pa sa epekto sa tax revenues ng bansa, nagdulot din ito ng malawakang pang-aabuso sa mga benepisyong dapat sanay exclusive lamang sa mga tunay na may kapansanan.