MAHALAGA ang malinaw na fishing access ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough at Spratlys kung saan maraming mga paksa ang magandang matalakay sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China.
Sa panayam ng SMNI News, isa sa nais ni Lucio Pitlo III, research fellow ng Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation ay mabigyan sana ng malinaw na fishing access ang mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal at Spratly Islands.
Ito’y kahit pa may problema na uusbong sa mga nabanggit na area.
Ayon kay Pitlo, magugunitang noong 2012 ay nagkaroon ng stand-off sa Scarborough Shoal at ang resulta ay hindi na nakakapasok ang mga mangingisdang Pilipino sa kanilang nakasanayang fishing ground sa Scarborough.
Nang maupo naman sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016, nagkaroon ng soft landing hinggil sa isyu at nakakalapit at nakakapangisda na muli sa bisinidad ng Scarborough ang mga Pilipino.