Mall sa Hong Kong, tinawag na ‘superspreader’ ng COVID-19

Isang Mall sa Hong Kong ang tinawag na “super spreader” ng coronavirus o COVID-19 dahil sa lumolobong impeksyon sa syudad.

Dahil sa patuloy na paglobo ng mga naimpeksyon sa Hong Kong, tinawag ng mga opisyales sa kalusugan ang restaurant sa Musea Mall Shim Tsa Shui na “super spreader” ng coronavirus.

Umabot na sa 44 na bilang ang mga naimpeksyon sa naturang Mall sa bansang Hong Kong matapos na madagdagan ito ng 10 kahapon.

Nagbabala naman si Dr. Albert Au Ka-wing, Health Officer for Epidemiology, na posibleng tataas pa ang bilang ng mga magpopositibo sa virus, dahil nasa isang daang katao pa anya ang nauugnay sa mga pasyente na hanggang sa ngayon ay kasalukuyung inoobserbahan sa mga quarantine site.

Hinimok naman ni Au ang lahat ng mga mamamayan na bumisita sa naturang Mall simula Pebrero 19 na magpa test at bumisita sa mga Doktor upang maagapan kung ito ay nagpositibo sa naturang sakit.

Matatandaan na isinara ng dalawang araw ang Shopping Mall dahil sa outbreak at tinayuan rin ito ng tatlong testing stations na magbubukas mula 9:00 ng umaga.

Samantala, kinakailangang magpakita ng negatibong resulta sa COVID-19 ang mga empleyado ng Mall bago makabalik sa trabaho ang mga ito.

SMNI NEWS