DINOMINA ng Barangay Ginebra ang Converge sa naging paghaharap nito sa PBA Governor’s Cup na nagtapos sa iskor na 120-101.
Nagpaulan si Malonzo ng career-high 29 points habang nagdagdag naman ng tig-28 points sina Justin Brownlee at Christian Standhardinger upang pangunahan ang pagkapanalo ng Ginebra sa Converge.
Nagkaroon ng magagandang laro ang Converge sa ikalawang bahagi ng laro ngunit hindi ito sumapat upang mapigilan ang Kings sa pagdomina ng laro.
Sa ngayon ay mayroon nang 7-2 win-loss record ang Kings at nalalapit na ito sa twice-to-beat advantage sa playoffs samantalang ang FiberXers naman ay mayroong 6-5 record.