Mamahaling inumin, dapat patawan na ng tax –mambabatas

Mamahaling inumin, dapat patawan na ng tax –mambabatas

PATAWAN ng mataas na tax ang distilled products at iba pang mga inumin.

Ito ang sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda kung saan ayon sa kanya, ang mga inumin na may presyong hihigit sa P20-K ay dapat patawan ng non-essential goods tax.

Alinsunod na rin ito sa kagustuhan ni Salceda na amyendahan ang Sin Tax Law ng Pilipinas.

Halimbawa ng distilled products ay ang brandy, whisky, at rum na gawa mula sa distillation ng wine at ibang fermented fruit o plant juice at maging sa iba’t ibang uri ng butil.

Samantala, maliban sa pagpapataw ng tax sa mamahaling inumin ay kasama rin sa isinusulong ni Salceda ang pagpapataw ng tax sa e-cigarettes, junk food maging ang pagtutok sa tobacco smuggling.

 

Follow SMNI News on Twitter