Mambabatas, dismayado dahil sa hindi natuloy na Cha-cha sa Senado

Mambabatas, dismayado dahil sa hindi natuloy na Cha-cha sa Senado

DISMAYADO si House Constitutional Amendments Committee chairman Rufus Rodriguez matapos kanselahin ng Senado ngayong araw ang nakatakdang pagdinig sa Resolution for Constitutional Convention para sa Charter change (Cha-cha).

Nauna kasing inimbitahan si Rodriguez para dumalo sa pagdinig ng kaniyang Senate counterpart sa ilalim ng komite ni Senator Robin Padilla subalit hindi ito natuloy ngayong araw.

Saad nito, matagal siyang naghanda sa nasabing hearing upang idepensa ang Resolution of Both Houses No. 6 at House Bill 7532 ng Kamara na magpapatawag ng Constitutional convention (Con-con) para amiyendahan ang economic restrictions ng 1987 Constitution.

“I am disappointed, after inviting me last March 14, I received last night a notice of cancellation from the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. I was already prepared to go to the Senate today at 10 am to present to the Senators the basis of our RBH 6 and HB 7352 which were all data-driven, evidence-based, and future-proof,” ani Rodriguez.

Saad pa nito, walang dahilan na binigay ang Senado para iurong ang nakatakdang pagdinig.

Nauna nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez na iuurong muna ng Senado ang Cha-cha hearing ngayong araw kasabay ng pagtiyak na bukas ang mga senador na luwagan ang economic restrictions ng Konstitusyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter