Mambabatas, iginiit na si dating Sec. William Dar ang puno’t dulo ng isyu ngayon ng sibuyas

Mambabatas, iginiit na si dating Sec. William Dar ang puno’t dulo ng isyu ngayon ng sibuyas

IGINIIT ni House Committee on Agriculture and Food Vice Chairperson Rep. Nicanor Briones na kasalanan ni dating Agriculture Sec. William Dar ang isyung kinakaharap ngayon hinggil sa sibuyas.

Isiniwalat niya sa panayam ng SMNI News ang mga dahilan kung bakit niya ito nasabi.

Aniya, hindi ito kumukonsulta sa mismong mga magsasaka at pinapakinggan lang nito ay ang world economic leaders.

Dagdag pa ni Rep. Briones, sa mga magbababoy, wala ring naitulong si dating Sec. Dar sa gitna ng paglaganap ng African swine fever (ASF) noon.

Sa sinabing pagtatayo naman ng cold storage facilities, sinabi ni Briones na hindi na kailangan ng batas para gawin ito.

May kalayaan ang    (DA) na isagawa ito basta’t ang pondo na gagamitin ay naisama rin sa national budget.

Samantala, naniniwala ang mambabatas na iisa lang ang nanghuhuli at hinuhuling smugglers kung kaya’t walang naikukulong sa mga ito. William Dar

Follow SMNI NEWS in Twitter