Mambabatas, mas pabor maging consultant ng gobyerno ang isang dating pangulo

Mambabatas, mas pabor maging consultant ng gobyerno ang isang dating pangulo

MAAARING maging consultant ng gobyerno ang isang dating pangulo ng bansa.

Ayon kay Zamboanga del Sur 1st District Rep. Divina Grace Yu, mas mainam pa ito kung ikukumpara sa panukalang gawing owtomatikong presidential adviser ang isang dating pangulo.

Saad pa ng kongresista, malaking bentahe ang mungkahi kung kakampi ng nakaupong pangulo ang isang dating pangulo gaya ni Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo’y House deputy speaker.

Samantala, isinusulong ngayon ni Rep. Yu kasama ang isa pang Zamboanga Representative na si Jeyzel Victoria Yu ang House Bill No. 7231 na layong bigyang pribilehiyo at benepisyo ang mga dating pangulo ng bansa.

Tulad ng pagkakaroon ng opisina, office staff at maging ang pagkakaroon din ng Presidential Security Group (PSG).

Kung maisabatas ito, benepisyaryo nito ang tatlong natitirang dating pangulo na sina Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Rodrigo Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter