Mambabatas nagbabala hinggil sa mga nabibiling Ivermectin online

Mambabatas, nagbabala hinggil sa mga nabibiling Ivermectin online. Nagbabala ang isang mambabatas sa publiko hinggil sa mga nabibiling ivermectin online na sinasabing gamot umano sa COVID-19.

Pagbibigay diin ni Deputy speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian, ang naturang gamot ay rehistrado at aprubado sa bansa bilang Anti-parasitic drug para sa mga hayop at hindi para sa human consumption.

Paalala ni Gatchalian, walang permit ang Ivermectin mula sa Food and Drug Administration para gamitin bilang COVID-19 treatment drug.

Babala nito, posibleng mayroon itong masamang dulot sa kalusugan ng tao.

Paki-usap nito sa publiko, huwag tangkilikin ang mga abusadong online sellers na magtatangkang pagsamantalahan ang kasalukuyang sitwasyon at manipulahin ang presyo ng Ivermectin.

Nauna nang inihayag ng palasyo na hintayin na muna ang desisyon ng FDA hinggil sa paggamit ng Ivermectin bilang panggamot sa COVID-19.

SMNI NEWS