Mambabatas sa DOT: Konsultahin ang mga Pilipino bago mag ‘rebranding’

Mambabatas sa DOT: Konsultahin ang mga Pilipino bago mag ‘rebranding’

IMINUNGKAHI ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa Department of Tourism (DOT) na konsultahin ang gusto ng mga Pilipino bago magsagawa ng ‘rebranding’.

Nananatiling may tiwala si Rep. Joey Salceda kay DOT Sec. Christina Garcia-Frasco.

Ito ang inihayag ng kongresista sa panayam ng SMNI News na isa lang itong pangyayari na hindi inaasahan at kayang-kaya namang ayusin.

Sa pagsasaayos, dapat konsultahin na ang gusto ng mga Pilipino.

Sa rebranding ng slogan, maganda rin aniya kung may totoong pagbabago sa bansa bago ito gawin.

Halimbawa dito ay ang pag-unlad ng mga paliparan at airlines, gumanda ang mga hotel at iba pa.

Ang slogan ng ibang bansa ay hindi pinapalitan sa loob ng ilang dekada.

Samantala, sinabi ni Salceda na mababa ang investment ng bansa sa turismo.

Mula 6% sa total government expenditure noong 2012 ay nasa 2% na lamang ito ngayon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter