Mambabatas, umaasa na tama ang suspek na hawak ng PNP sa pagpatay kay Percy Lapid

Mambabatas, umaasa na tama ang suspek na hawak ng PNP sa pagpatay kay Percy Lapid

UMAASA si BH Party-list Rep. Bernadette Herrera na tama ang hawak na suspek ng PNP sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Giit ni Herrera, nasa PNP ngayon ang burden para patunayan na ang self-confessed gunman nga na si Joel Estorial ang totoong bumaril kay Lapid.

Diin ni Herrera, dapat matibay ang pruweba ng PNP na tama ang hawak nilang suspek hindi lamang batay sa pag-amin ng nagpakilalang gunman kundi kasama dapat dito ang forensic evidence.

‘The burden of proving the case is on the PNP and the prosecutors who will eventually handle the case, so they better get their facts right and have the gunman who actually shot the victim,’ saad ng mambabatas.

Umaasa naman si Herrera na nabigay rin sa alleged suspect ang kanyang karapatan gaya ng right to counsel o magkaroon ng abogado kahit man lang mula sa Public Attorney’s Office.

Na dapat lahat ng testimonyang bibitawan nito ay ginawa nang may presensya ng abogado nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter