Mamemeke ng passport, makukulong

Mamemeke ng passport, makukulong

BABALA sa mga namemeke ng pasaporte dahil makukulong ng 6 hanggang 15 taon ang sinumang gagawa nito.

Sa ilalim ito ng Republic Act No. 119831 o New Philippine Passport Act.

Maliban sa pagkakakulong, ay pagmumultahin rin ng hindi bababa sa P100-K subalit hindi rin lalagpas ng P250-K.

Sa kaparehong taon ng pagkakakulong at multa rin ang ipapataw sa maling paggamit ng passport at iba pang travel documents.

Ang mga paglabag na may kinalaman sa pag-isyu ng passport ay mahaharap sa anim na taong pagkakakulong subalit hindi lalagpas sa 12 taon na incarceration at multa na hindi bababa sa P100-K ngunit hindi rin lalagpas sa P250-K.

Para sa indibidwal na walang awtoridad na magkumpiska o pigilan ang anumang passport na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay makukulong ng hindi bababa ng 12 taon at multa na hindi bababa ng P1-M subalit hindi lalagpas ng P2-M.

Samantala, sa ilalim ng New Philippine Passport Act ay magkakaroon ng online application portal at electronic one-stop shop sa kanilang official website ang DFA.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter