MATUTUNGHAYAN na ng publiko sa Pebrero 19, 2025 ang pelikulang ‘Mananambal’ ni Superstar Nora Aunor.
Batay ito sa anunsiyo ng mismong film production company ng pelikula sa kanilang social media nitong Enero 22.
Nauna na itong nagkaroon ng screening sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Samantala, kasama ni Nora sa ‘Mananambal’ sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales, at Martin Escudero.