Mandato ng AFP, hindi maaapektuhan matapos paganahin ang VPSPG

Mandato ng AFP, hindi maaapektuhan matapos paganahin ang VPSPG

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaapektuhan ang kanilang mandato na protektahan ang bansa at ang taumbayan.

Ito ay matapos paganahin ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) noong Hunyo 24, 2022 na responsable sa seguridad ng pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa inaprubahan ng Department of National Defense (DND), isa na itong hiwalay na yunit ng AFP na may mas maraming tauhan, mas mahusay na gamit, at may kakayahang magbigay ng seguridad sa pangalawang pangulo.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Jorry Baclor na bago pa nito, ang Vice Presidential Security Detail (VPSD) ang naatasang tiyakin ang seguridad ng pangalawang pangulo.

Ang VPSD ay nasa ilalim ng Special Detail Unit (SDU) ng General Headquarters and Headquarters Service Command (GHQ & HSC) na nakabase sa Camp Aguinaldo.

Ang GHQ & HSC ay ang nangangalaga naman sa buong Camp Aguinaldo na kinabibilangan ng mga pasilidad, personnel, logistics, seguridad ng kampo at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter