Mandatory cashless toll fee transactions, ipinag-utos ng DOTr

Mandatory cashless toll fee transactions, ipinag-utos ng DOTr

IPINAG-utos na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-iral ng mandatory cashless transactions sa lahat ng toll expressways.

Gayunman wala pang ibinibigay na eksaktong petsa ang DOTr sa implementasyon ng direktiba.

Sa inilabas na Department Order 2020-012 ng DOTr, inatasan nito ang tatlong ahensiya na magbalangkas ng panibagong proseso at procedure sa loob ng 3 buwan para sa maayos na implementasyon ng bagong polisiya ng cashless toll fee transactions.

Kabilang sa mga ahensiya ang Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nire-require na magkaroon ng cashless payments ang South Luzon Expressway (SLEX), Manila Cavite Toll Expressway (CAVITEX) North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), South Metro Manila Skyway, Southern Tagalog Aerial Road Tollway (STAR), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Cavite Laguna Expressway (CALAX).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.