MULING ipinatupad sa mga lungsod ng Iloilo at Bacolod ang mandatory na pagsusuot ng face mask.
Sa Iloilo City, ang face mask ay mandatory sa lahat ng indoor na pampubliko o pribadong establisyemento, sa mga lugar na hindi napatutupad ang physical distancing at sa public utility vehicles (PUVs).
Habang sa Bacolod ay ipatutupad lamang sa loob ng PUVs.
Ang naturang hakbang ay bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Rehiyon 6 at ang pagkaka-detect ng Omicron XBB.1.16 subvariant o Arcturus sa Visayas.