HINDI lingid sa ating kaalaman na marami sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nakararanas ng matinding pagsubok sa kanilang pinansyal na sitwasyon.
Kahit kayod-kalabaw at patuloy nilang ipinapadala ang kanilang sweldo sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas, karamihan pa rin sa kanila ay walang naitatabing ipon para sa kanilang pagreretiro.
Kaya naman, kung maihahalal na senador, nais ni Pastor Apollo C. Quiboloy na isulong ang OFW Retirement Security Act— isang panukala naglalayong magtatag ng mandatoryong pension scheme para sa lahat ng OFWs.
‘’Ito yung OFW Retirement Scheme Act. Magkakaroon ng mandatory pension scheme for all OFWs kung saan meron yung government, at saka yung employer contributions,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente Spokesperson ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa ilalim ng planong ito, magkakaroon ng kontribusyon mula sa gobyerno at mga employer ng OFWs.
‘’So magkakaroon ng talks between the DFA at kung saan kayo nagtrabaho, na ano ba dapat talaga ang social security agrements, para pag-uwi ninyo dito sa bansa, siguro merong certain period for time kung kelan kayo nagko-contribute, for example 10 years, so pag naabot yung minimum period of time na nakapagbigay kayo, nakapagcotribute kayo sa pension scheme na yon. So pag uwi ninyo, meron na kayong tinatawag na mandatory na pension,’’ wika nito.
Bukod sa pagiging mandatoryo, may mga tax incentives din na isinusulong sa planong ito.
‘’Ang maganda pang naisip ni Pastor, may mga tax incenvites pa, once na ginamit mo yung pension na galing pa nga, na nakuha mo sa pagttrabaho bilang OFW,’’ ani Atty. Laurente.
‘’Ano yung mga tax incentive? Pwedeng tax exempted ka kung iwiwithdraw mo yon o pwedeng may tax-free yon once na gagamitin mo yon O pwede din may tax deduction once you contribute also para sa pension na yon,” saad nito.
Samantala, nais din ni Pastor Apollo na bigyan ng financial empowerment ang mga OFWs upang matulungan sila na magkaroon ng mga kasanayan at kaalaman sa pamamahala ng sarili nilang pera, upang makapag-ipon at makapag-invest para sa kanilang kinabukasan.
Iilan lamang ito sa nais isulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mga itinuturing na makabagong mga bayani ng bansa.
“Malapit talaga yung puso ni Pastor sa mga OFW. Sa pagiikot ni Pastor bilang isang evangelical minister na worldwide po ang kaniyang ministry, nakita din nya po kung ano yung mga problema ng OFWs. So, sa pagiikot niya po, nakita din nya po kung ano ang pinakamagandang mga solusyon para nga matugunan yung mga problema ng mga OFWs,” sabi nito.
“Talagang one day, makakapagsalita si Pastor sa inyogn harapan at ila-laydown niya lahat ang mga plano, ang mga vision niya. Mamamangha po kayo,” dagdag ni Atty. Kaye.