MAGPAPATULOY ang mandatory quarantine sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng taon sa pagsasaalang-alang ng panuntunan na ipinatupad sa Malaysia.
Iinihayag ni Health minister Khairy Jamaluddin na magpapatuloy hanggang katapusan ng taon ang mandatory quarantine para sa mga COVID-19 patient.
Ayon kay Jamaluddin ang pagsasaalang-alang ng panuntunan na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkontrol ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ang pinakahuling mga panuntunan sa quarantine ng COVID-19 ay nagsasaad na ang mga positibong kaso ng COVID-19 ay dapat ma-quarantine sa loob ng 7 araw mula sa araw na natanggap nila ang positibong resulta ng pagsusuri, anuman ang COVID-19 vaccination status ng mga ito.
Gayunpaman, maaring tapusin ng mga COVID-19 patient ang kanilang quarantine nang mas maaga kung magnegatibo ang resulta ng RTK-AG test nito sa loob ng ikaapat na araw.
Samantala, maari ding gawin ang pagsusuri sa ikalima o ikaanim ng quarantine at kung positibo ang pagsusuri, kinakailangan na magpatuloy ang quarantine ng pasyente hanggang ikapitong araw.