NAGSASAGAWA ngayon ng mandatory random drug testing ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa lahat ng kanilang mga kawani.
Ito ay bilang pagtalima sa Resolution No. 1700653 ng Civil Service Commission (CSC).
Ayon sa MRT-3 management, magtatagal ngayong araw ang aktibidad sa depot ng MRT-3, na isinasagawa sang-ayon sa minimum public health standards.
Batay sa nasabing resolusyon, ang lahat ng mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang sumailalim sa mandatory random drug testing upang magarantiyang drug-free ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno para sa epektibo at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.
Ang mandatory random drug testing ay isinasagawa isang beses sa dalawang taon.