Mandatory repatriation sa Lebanon, tinutulan ng mga Filipino community leader—DFA

Mandatory repatriation sa Lebanon, tinutulan ng mga Filipino community leader—DFA

SA gitna ng mainit na bakbakan, wala pang naiulat na Pilipino na nasaktan sa Lebanon.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer, tinatayang nasa 10 libong Pinoy ang nasa Lebanon. Sa ngayon, 500 na ang napauwi, at may 1,000 pa ang pinoproseso ang kanilang pagbabalik dito sa Pilipinas.

“However, we are processing more than one thousand requests for voluntary repatriation. That’s one out of ten so far mga kaibigan,” pahayag ni Asec. Robert Ferrer, Department of Foreign Affairs (DFA).

Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino doon.

Sinabi rin ni Ferrer, hindi nila nais na pilitin ang mga Pilipino na umuwi ng Pilipinas.

Hindi rin kumbinsido ang mga lider ng komunidad ng mga Pilipino na itaas sa Alert Level 4 o mandatory repatriation ang sitwasyon sa Lebanon.

Sa ngayon nananatili pa rin sa Alert Level 3 o voluntary repatriation ang Lebanon.

“We cannot force our kababayan to go home. You know nag-conduct ng consultation si Ambassador Balatbat with the community leader in Lebanon and all of them are almost unanimous are opposed to any mandatory repatriation by the Philippine Government. Now were democracy here in the Philippines we are also democracy abroad,” dagdag ni Ferrer.

Para sa DFA, makatutulong ang mga kamag-anak sa Pilipinas para pauwiin ang mga Pilipino sa Lebanon.

“I would be a big help if their relatives here in the Philippines ang magkumbinsi sa mga kamag-anak nilang nasa Lebanon to go home,” aniya.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan at paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Beirut para sa libreng repatriation na iniaalok ng pamahalaan sa mga Pinoy doon habang bukas pa ang commercial flights sa Lebanon.

Nagpapalala rin ang Embahada na inilunsad ng Hukbo ng Israel ang mga operasyong militar sa rehiyon, na maaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng mga sibilyan.

Iminumungkahi rin ng embahada na manatiling nakatutok sa mga lokal na balita para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa kaligtasan at seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble