Mandatory ROTC Bill na hindi lumusot sa 18th Congress, muling ihahain sa 19th Congress – Sen. Bato

Mandatory ROTC Bill na hindi lumusot sa 18th Congress, muling ihahain sa 19th Congress – Sen. Bato

INIHAYAG ni dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging prayoridad niyang muli ang paghahain ng panukala para sa muling pagbuhay ng ROTC sa curriculum ng mga kabataan sa pagpasok ng bagong Senado.

Kamakailan inihayag ni VP-elect at incoming DepEd Secretary Sara Duterte na isusulong nito ang pagbuhay ng Mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps.

Sa Mataas na Kapulungan, sinabi ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa na balak niyang muling maghain ng panukala para dito.

Matatandaan na noong 18th Congress ito ang naging top priority bill ni Dela Rosa pero hindi nagawang mailusot.

“Ang alam ko nagkaroon na ng isang hearing sa Senate Committee on Basic Education ni Sen. Sherwin Gatchalian and I attended at doon nga nagkasagutan pa kami doon sa mga estudyante na taga-UP. Ayaw na ayaw nila ang ROTC kaya after that wala na akong narinig na kung may succeeding hearing pa sa mga panukalang batas na ‘yun. Sana makalusot na itong bill within this Congress,” pahayag ni Dela Rosa.

Para sa senador,  kailangang maibalik ang ROTC sa bansa.

Kailangan talaga, as you have observed, since nawala ang ROTC, nag-iba na ‘yung sense of pride, sense of nationalism, sense of patriotism ng ating kabataan, ibang-iba na talaga. At saka, alam natin mayroon tayong impending threat galing sa ating kapitbahay, sa ibang mga bansa, ‘yung threat ng China diyan sa ating West Philippine Sea,” aniya pa.

“So, worse comes to worst we need, being a very small nation compared to the others, we need a ready reserve to support our regular Armed Forces in times of crisis,” dagdag ng senador.

Ayon kay Bato kung hindi siya nagkakamali, mas mahigpit na ROTC ang gusto ni VP Duterte na kagaya sa Korea at Singapore kung saan mananatili ang mga kabataan sa military sa loob ng dalawang taon.

 

Follow SMNI News on TwitteR