LUMABAS sa latest survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga mangingisda at magsasaka sa Pilipinas ang itinuturing na pinakamahirap sa bansa.
Ang poverty incidence rate ng mga mangingisda ay umaabot sa 30.6% nitong taong 2021 o mas mataas kung ikukumpara sa 26.2% noong taong 2018.
Ang magsasaka naman ay 30% nitong taong 2021 ngunit bahagya itong mababa kung ikukumpara sa 31.6% noong 2018.
Isa sa mga nakikitang dahilan nito ay ang mga bagyo at iba pang weather disturbances dulot ng climate change na nakasisira sa kanilang kabuhayan.
Para sa mga mangingisda pa partikular na sa Oriental Mindoro, ang nararanasang oil spill ang kinakaharap na problema nila ngayon.
Bilang tugon na rin sa survey ay hinihikayat na ng mga grupo ng mangingisda at magsasaka ang Marcos administration na ihinto ang reclamation projects at rural industrialization.
Samantala, nitong March 2 ay ibinahagi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ang pamahalaan ng 1 billion pesos bilang fuel subsidies ng mga mangingisda at magsasaka.
312-k na mga miyembro ang makakabenepisyo sa tig-tatlong libong pisong ayuda.