Mangingisda, nailigtas ng PCG matapos lumubog ang kanilang motorbanca sa Naic, Cavite

Mangingisda, nailigtas ng PCG matapos lumubog ang kanilang motorbanca sa Naic, Cavite

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang kanilang motorbanca sa karagatang sakop ng Labac, Naic, Cavite, nitong Setyembre 21, 2022.

Kinilala ang mga nailigtas na sina George Gapate, 52-anyos at Rodolfo Tulibas, 18-anyos na mga residente ng Barangay 49M, Bagong Pook, Cavite City.

Sa incident report, nakaengkwentro ng malakas na alon ang motorbanca na “Mommy Yolls” habang nasa karagatang sakop ng Labac na sumira sa kanilang bangka.

Kinumpirma naman ng search and rescue team na nasa maayos na physical condition ang mga nailigtas na mangingisda.

 

Follow SMNI News on Twitter