TATANGGAP ang mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) ng fishing gears at post-harvest equipment mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Mula sa Oyster Bay Naval Base sa Brgy. Macarascas, Puerto Princesa City, lalayag ang BRP Francisco Dagohoy patungong Pag-asa Island ngayong araw Hunyo 12, 2023 na bitbit ang ipamamahaging fishing gears at post-harvest equipment ng Department of Agriculture (DA) – BFAR.
80 benepisyaryo mula sa sa dalawang fisherfolk associations sa bayan ng Kalayaan ang tatanggap ng bagong kagamitan.
Bukod sa mga fishing equipment, magsasagawa rin ang BFAR ng Capacity-Building programs tulad ng proper fish handling, good manufacturing practices, at sanitation standards.
Bahagi ang naturang aktibidad sa programa ng BFAR ngayong Araw ng Kalayaan na “Layag-Kabuhayan sa Pag-asa Island sa Araw ng Kalayaan”.
Layunin nito na suportahan ang mga fishing activities ng mga mangingisda sa West Philippine Sea, lalo na sa Pag-asa Island.
Nais din ng BFAR na maparami ang huli ng mga mangingisda sa WPS at tiyakin ang sustainable fisheries at aquatic resources sa nasabing isla, at mapalakas ang pang-ekonomiyang halaga ng kanilang mga huli.