NAGSAGAWA ng manhunt operations sa dalawang hindi kilalang gunmen ang kapulisan sa North Cotabato kasunod ng pagkakapaslang kamakailan ng isang commander ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Magugunitang Linggo, October 23 nang binaril si Datu Jordan Tayuan sa Barangay Bual Sur, Midsayap, North Cotabato.
Ayon kay Lt. Col. Rolly Oranza, ang police chief ng Midsayap, nanonood lang ng TV si Tayuan nang pumunta sa kanyang bahay bandang alas sais ng gabi ang dalawang gunmen.
Naniniwala ang mga pulis na personal na galit o alitan ng pamilya Tayuan sa ibang pamilya ang sanhi ng pagkakapaslang.