Manifestation of Sen. Bong Go during the Public Hearing of Committee on Public Order regarding ayuda scam in Davao del Norte and Davao de Oro

Manifestation of Sen. Bong Go during the Public Hearing of Committee on Public Order regarding ayuda scam in Davao del Norte and Davao de Oro

Distinguished colleagues and resource persons in attendance, a pleasant day to each and one of you.

As I have mentioned during the budget deliberations of DSWD, I have always been supportive of programs that would address the welfare and needs of Filipinos who are most in need of assistance. Basta po yung mga programa ng DSWD na nakakatulong sa mga mahihirap nating kababayan, handa po akong sumuporta.

Kaya nakakalungkot po malaman that some of our fellow countrymen are allegedly being robbed of funds which are intended to provide assistance to them.

Ako po ay personal na bumababa sa ating mga kababayan para makapagbigay po ng tulong, dun ko po nakikita yung tunay na kalagayan nila, kaya hindi po katanggap-tangap sa atin na may kinukuha at binabawasan ng iilang mapagsamantala.

Mr. Chair, gusto ko lang po malaman sa dami ng mga naglalabasang isyu sa iba’t ibang lugar – Bukidnon, San Juan, o saan pa man – yung patungkol sa pagkaltas ng ayuda na natatanggap ng mga beneficiaries, ano pong ginagawa ng DSWD dito? Kasi magkaiba ito ng situation eh, ito, sinasabi ni Ms. Candelaria, sila yung mismong nagpi-pay out, kayo yung paymaster, kayo yung may hawak ng pera. Paano ninyo ma-assure na nakakarating talaga sa benepisyaryo yung P2,000 o P3,000 o P5,000, o yung sunog, diba, dinidiretso ninyo talaga?

Itong sa kanila, ang problema, kung dadaan sa LGU, ang bottomline diyan, mahahaluan ng pulitika. Paano ninyo ma-assure na hindi magiging selective, walang pinipili yung LGU o yung CSWDO? Iba kasi to, para maintindihan ng Pilipino, iba po yung DSWD, national po yun. Yung CSWDO or MSWDO, Municipal Social Welfare and Development Office. Under siya ng LGU, ibig sabihin, ang mag-aappoint nito ay mayor, ang mag-aappoint nito ay ang governor, so papaano natin ito maagapan na walang magiging selective, walang pipiliin? Kaya nga po tinawag na AICS eh, diba Assistance to Individuals in Crisis Situation, yung mga mahihirap nating kababayan, dapat po ay walang magsamantala sa sitwasyon.

Ano ba sa Bisaya ang magsamantala?

Dapat walang magsamantala dito, dapat ang mahihirap ang makinabang nito, kasi pera ito ng tao, dapat maiuwi nila ito. Kanila po iyan. So, dapat po ay matigil ito, at huwag haluan ng pulitika.

Kaya nananawagan po ako sa ating DSWD, Usec. Dimaporo, Ma’am, ikaw alam mo po yun, anak ka po ng isang gobernador, alam ninyo po… nanggaling ka din po diyan, naiintindihan ninyo po talaga ang sitwasyon. Paano po matigil ito na mahaluan po ng pulitika at wag po maging selective ang pagpili ng mga benepisyaryo?

Yun ang nagiging problema diyan. Siguro dito sa inyo, yung diretso, i-assure ninyo na walang makakaltas ni piso, kung kayo ang magpi-pay out ng AICS. Pakiusap ko lang po sa inyo, balikan ninyo yung mga nasunugan ha, yung iba diyan two months na, wala pa ding nababalikan, yung nasusunugan. Yung iba diyan hirap na hirap na, alam ninyo pag nasunugan ka, back to zero ka. Ang hirap masunugan. Pero di pa din nababalikan ng DSWD ang ibang nasunugan dahil wala daw pong pera. Eh eto, unahin ninyo po yung mga naghihirap, yung mga nasusunugan. Wag ninyo po unahin yung pulitika. Kaya nga po tayo nandito sa gobyerno, asikasuhin natin yung mga mahihirap nating kababayan. Yun lang po ang pakiusap ko sa DSWD.

Director Edwin Morata, madami pa pong nasusunugan sa buong Pilipinas na hindi pa po nababalikan ng DSWD, baka po pwedeng unahin ninyo itong mga ‘to. Naghihirap talaga ito, walang pambili ng damit, walang pambili ng kagamitan sa eskwelahan. Pakiuna nalang po sila habang inaayos at nire-resolve natin itong isyu ng pagkakaltas.

Ngayon, Ma’am, baka pwede ninyo i-check ng mabuti yung pagda-download sa mga LGUs na masu-supervise ninyo ng mabuti dahil pondo ninyo po yan – galing yan sa DSWD, galing po yan sa national, eh sana po wag maging selective. Kaya nga po tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situation. So iba yung kaso na kayo ang magbabayad, iba din yung kaso na LGU ang magbabayad.

I’m saying this, Mayor, alam ko naman na gusto ninyo din po tulungan ang mga mahihirap nating kababayan, unahin po natin, tell your CSWD, MSWD or PSWD ninyo na unahin yung mga mahihirap at wag maging selective sa pagpili. And, of course, walang makakaltas kung P3,000, P3,000. Kung P5,000, P5,000. Kung P10,000, P10,000. Walang dapat magsamantala diyan sa pera, dapat yung mga mahihirap nating kababayan ang makinabang.

Yun po, Mr. Chair. Tingnan natin ito ng mabuti at matigil na ito. Mahinto na ito dahil mahirap ito, kung magpapatuloy, tapos papunta na tayo ng eleksyon, hindi dapat mahaluan ng pulitika, wala dapat magbawas dyan… o magsamantala pa ng kahinaan ng ating mga kababayan. Pera po ng Pilipino yan, ibalik dapat sa kanila.

Follow SMNI NEWS on Twitter