MAGIGING sanhi ng 6-8 metrong pagbaha sa Las Piñas at karatig lungsod ang nagpapatuloy na Manila Bay reclamation.
Ayon ito kay Senator Cynthia Villar dahil aniya, kung itutuluy-tuloy pa ang reclamation ay wala nang labasan ang tubig ng apat na ilog na matatagpuan sa Las Piñas, Parañaque, Bacoor-Molino, at Zapote.
Ibinahagi ni Villar na taong 2010 pa nang hinaharangan nila ang planong reclamation sa Manila Bay.
Idinulog na rin ni Villar ang isyu kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Department of Natural Resources (DENR) Maria Antonio Yulo-Loyzaga.