NILAMON ng apoy ang buong gusali ng Manila Central Post Office sa Lawton, Manila.
Umabot naman hanggang sa general alarm o sa pinakamataas na alarma ang sunog.
Ayon sa Manila Fire District, nagsimula ang sunog 11pm noong araw ng Linggo habang idineklara naman itong under control ng alas 7:22 kaninang umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa basement ng gusali.
Patuloy namang inaalam kung ano ang naging sanhi ng sunog.
Sinabi ni BFP-NCR chief Supt. Nahum Tarroza, tinatayang nasa 300 – 500 milyong pisong halaga ang pinsala ng sunog.
Sugatan naman ang 5 bumberong rumesponde sa sunog.