IBINALIK ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa lahat ng kanilang empleyado at bisita sa city hall.
Ito ay bilang hakbang sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nilinaw rin ni Mayor Honey Lacuna na tanging sa city hall premises lamang epektibo ang sinasabing mandatoryo.
Nais lamang matiyak ng mayora na ang lahat ng may transaction sa Manila City Hall ay protektado laban sa virus.
Pinaalalahanan din nito ang kaniyang nasasakupan na sumunod sa mga COVID-19 protocol.