NANGUNGUNA ang Manila City sa mga siyudad sa Southeast Asia pagdating sa crime index batay sa 2024 mid-year report ng Numbeo.
Sa ulat, nakapagtala ang Manila ng 64.4% crime index.
Sinundan ito ng Kuala Lumpur, Malaysia na may 60.8%, Jakarta, Indonesia na may 52.7%, Cebu City at Ho Chi Minh City, Vietnam na kapwa nagtala ng may 51.7% crime index.
Kabilang naman sa top 10 pagdating sa may mataas na crime index ang Johor Bahru, Malaysia; Pattaya, Thailand; Iloilo City; Bangkok, Thailand, at Makati City.
Pagdating sa safety index, nangunguna naman ang Davao City dito sa Pilipinas na may 71.9% at pangatlo sa buong Southeast Asia.
Habang ang Manila ay nasa huling puwesto sa bansa pagdating sa usapin ng kaligtasan.