Manila-Doha direct flights magiging araw-araw na—PAL at Qatar Airways

Manila-Doha direct flights magiging araw-araw na—PAL at Qatar Airways

MAGKAKAROON na ng maayos at tuloy-tuloy na koneksiyon ang mga pasaherong bibiyahe mula Maynila patungong Qatar.

Sa pamamagitan ito ng codeshare agreement ng Philippine Airlines at Qatar Airways.

Magsisimula ang codeshare agreement sa Hunyo 16 kasabay ng paglulunsad ng araw-araw na direktang biyahe sa pagitan ng Maynila at Doha.

Kasabay nito ay sinabi na rin ng PAL na nagsasagawa sila ng pag-aaral para sa mas pangmatagalang kolaborasyon kasama ang flag carrier ng Qatar.

Kabilang na rito ang promosyon ng mas maraming destinasyon sa kani-kanilang mga network at pakikipag-ugnayan para sa mga frequent flyer program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble