NGAYONG araw na magsisimula ang two-day Manila leg ng ‘Buzz’ World Tour ng Indonesian singer-songwriter na si NIKI!
Gaganapin ito sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, simula mamayang 8:00 PM.
Dahil sa mataas na demand, magkakaroon pa ng hiwalay na concert si NIKI sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City, sa darating na Marso 1.