PANALO muli ang Filipino carats dahil sa magiging “Right Here” tour ng K-pop boy group na Seventeen ay kasali ang Manila sa schedule!
At, hindi lang isang show ang handog nila para sa Pinoy fans.
Bagamat wala pang ibinahaging venue at ticketing details, sa naging social media post ng grupo ay sa Enero 18 at 19, 2025 tutungo ang Seventeen sa bansa partikular na sa Bulacan para sa tour.
Matatandaang huling pumunta ang Seventeen sa bansa noong Enero 13 at 14, 2024 para sa kanilang “Follow” tour at Philippine Sports Stadium sa Bulacan ang kanilang venue.
Ang kickoff naman ng “Right Here” tour ay sa Oktubre 12 at 13 sa South Korea.
Samantala, sa Oktubre 14 na ang release ng kanilang 12th album na may pamagat na “Spill the Feels”