IPINAGMAMALAKI ng Manila City government na kumita ang lungsod ng P1.8 milyon para sa mga small ang medium businesses nito sa ginawang Valentines event sa loob ng dalawang linggo.
Inanunsyo din ng lokal na pamahalaan ng Maynila, bukod sa naturang kita lumikha din ng 182 jobs ang nasabing kaganapan na inorganisa ng pamahalaan ng lungsod.
Matatandaan mula February 1 hanggang February 15, 2021 nag-organisa ang Manila local government unit ng Valentines event na tinatawag na Maynilove na ginawa sa Mehan Garden sa lungsod ng Maynila.
Umabot sa 37 stalls ang inilagay sa naturang kaganapan kung saan dinagsa ito ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar ng Maynila.
Sinabi naman ni Bureau of Permits Director Levi Facundo, tinuturing na matagumpay ang ginawang kaganapan at dahil dito ani pa Facundo natulungan ang local economy sa Maynila.
Gayunpaman, dahil sa unti unti nang bumabalik sa normal ang ekonomiya ay tiniyak pa rin ng Bureau of Permits para sa mga manggagawa sa Lungsod ng Maynila na patuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng swab test ng lokal na pamahalaan sa mga ito.
Kabilang na dito ang mga empleyado ng malls at hotels, jeepneys at trycle drivers maging ng mga vendors ng mga pampublikong pamilihan sa lungsod.