INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang COVID-19 Food Security Program na layong matulungan ang mga pamilyang Manilenyo na apektado ng krisis dulot ng COVID-19.
Sa ilalim ng programa, layon ng LGU na makapamahagi ng buwanang food susbsidy sa 700,000 pamilya sa lungsod.
Kabilang sa matatanggap ng mga benipesyaryo ng program ay 3 kilo ng bigas, 16 na piraso ng canned goods at 8 sachet ng kape.
Tinatayang aabot sa P3 bilyon ang inilaang pondo ng LGU para sa naturang programa.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, upang mapondohan ito, may iilang programa muna sila isasantabi upang matutukan ang isyu sa pagkagutom ng ilang residente dahil sa pandemya.
Gayunman, siniguro ni Moreno, na magpapatuloy pa rin ang housing program ng lungsod para sa mga mahihirap at walang tirahang Manilenyo.