Manila LGU nagsagawa ng Nilad planting activity kasunod ng pagdiriwang ng Tourism Month

Manila LGU nagsagawa ng Nilad planting activity kasunod ng pagdiriwang ng Tourism Month

NAGSAGAWA ang Manila LGU ng Nilad planting activity bilang bahagi ng Ceremonial Tree Planting Activity ng LGU ngayong araw sa Manila Zoo.

Pinangunahan ito ni Manila City Mayor Honey Lacuna.

Ang Nilad ay isang uri ng mangrove specie.

114 na Nilad ang itinanim sa Manila Zoo habang 50 naman sa Asean Garden sa Intramuros Manila na pinangunahan ni VM Yul Servo Nieto.

Matatandaan na ang unang Nilad Planting Activity ay nagsimula noong nakaraang administrasyon na ginanap sa Baseco Maynila.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng pagdaraos ng Tourism Month sa lungsod ng Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter