Manila LGU, pag-aaralan pa ang pagbubukas ng mga sinehan, museo at iba pang tourist attraction

PAG-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbubukas ng mga sinehan, arcade, library, at iba pang tourist attraction sa lungsod.

Ito ang naging pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF)sa pagbubukas muli ng mga sinehan,museo at iba pang negosyo sa bansa.

Dagdag pa ng alkalde ayaw lang nila ng magkabiglaan kailangan lang aniya na laging may paghahanda.

Sa katunayan ayon pa kay Mayor Isko maganda naman aniya ang naging intensyon ng IATF sa katunayan aniya gusto din naman talaga ni Yorme na magbukas na ang naturang establisimyento.

Pero higit sa lahat aniya ay maging responsable at maiging paghandaan na hindi kagaya nong dati na dikit-dikit ang pagdagsa ng mga tao.

Dapat din aniyang tandaan na ang mga stablishment  na bubukasan ay enclosed area at dapat isaalang-alang na hindi dapat nagtatagal sa mga naturang lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.