Manila LGUs, at MPD, tututukan ang mga namamalimos sa mga lansangan

Manila LGUs, at MPD, tututukan ang mga namamalimos sa mga lansangan

TUTUKAN ngayon ng Manila LGU’s at ng Manila Police District (MPD) ang mamalimos sa pangunahing lansangan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD DD PBGen. Andre Perez Dizon, may mga impormasyon silang mga nakalap na may mga sindikatong nag rerecruit sa mga Badjao at hinihikayat silang tumungo sa nabangit na lungsod para mamalimos.

Sinabi ni Dizon, naniningil itong grupo ng mga sindikato sa mga katutubong Badjao ng hanggang P50 bawat isa na Badjao, bilang bahagi ng kumisyon ng sindikato sa kanilang pag recruit sa mga ito, kaya napipilitan ang mga Badjao na mamalimos sa mga lansangan.

Ayon naman sa Manila LGU MDSW Director Maria Asuncion Re Fuguso, tuluy-tuloy ang kanilang ahensya sa ugnayan sa MPD sa pagmomonitor sa mga lansangan sa lungsod, kabilang na ang mga pampublikong matataong lugar tulad ng Divisoria, Blumentritt, mga mall, Luneta, at iba pa, para aksyonan ang mga Badjao na namamalimos sa Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter