Manila LGUs nag-donate ng 7,500 doses ng Sinovac vaccines sa Batangas

Manila LGUs nag-donate ng 7,500 doses ng Sinovac vaccines sa Batangas

NAMAHAGI ang ilang lokal na pamahalaan ng Metro Manila ng 7,500 doses ng Sinovac vaccine sa Batangas upang maprotektahan ang mga evacuees laban sa COVID-19 na apektado ng kamakailan na volcanic activity ng Taal Volcano.

Ito ay ayon mismo kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr.

Dagdag ni Abalos, mas kailangan ng mga residente sa Batangas ang bakuna dahil sa inililikas ang mga ito at maaaring maghalo-halo sa evacuation centers.

Ani Abalos, ang lungos ng Maynila ay nagdagdag ng 2,000 doses, ang Quezon City ay nagbigay ng 1,500 doses, habang ang Mandaluyong City, Taguig City, Marikina City at Parañaque City ay namahagi ng tagi-isang libong doses ng nasabing bakuna.

Hindi bababa sa 3,000 katao ang inilikas mula sa mga high-risk na bayan ng Agoncillo, Laurel, San Nicolas, at Lemery Batangas matapos na pumutok ang Bulkang Taal noong Hulyo a-uno.

 

 SMNI NEWS