Manila Mayor Honey Lacuna, iprinesenta ang Top 1 Most Wanted ng Police Station 11

Manila Mayor Honey Lacuna, iprinesenta ang Top 1 Most Wanted ng Police Station 11

IPRINESENTA ng Manila LGU sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna- Pangan ngayong araw ang Top 1 Most Wanted ng Police Station Number 11.

Dalawang taon ding nakapagtago mula sa mga awtoridad si Gener Argales Redalda aka Lolo Gener, aka Jose Gener Argales.

Siya ay, 61 years old, single at walang trabaho at nahuli noong Setyembre 10, 2022, bandang 5:30 ng hapon sa may bahagi ng Binondo Manila.

Si Redalda ay hinuli ng mga awtoridad dahil sa 4 counts of acts of lasciviousness o krimeng rape na nagawa nito.

Ang naging biktima nito ay ang tatlong menor de edad na anak ng kaniyang kinakasama.

“Siya po ay may kaso na 4 counts ng act of lasciviousness including rape and kanya pong mga biktima ay tatlong magkakapatid na nung ginawa niya po ang krimen ay may edad na dose anyos, 6-yrs-old at 2-yrs-old. Ito po ay mga anak ng kinakasama niya noong panahon na ‘yun,” pahayag ni Lacuna.

Samantala, ngayong araw pinagkalooban ng Philippines China Association for the Promotion of Peace and Friendship ang Manila LGU ng 10 patrol police motorcycle.

Ito ay diretsong ibibigay ng LGU sa Manila Police District o MPD upang magamit nila sa kanilang 24 oras na pagpapatrolya.

“Napakaswerte natin dahil isa na naman pong grupo ang tumulong sa ating lungsod. Marahil po ay nakita nila kung papaano natin pinapahalagahan ang peace and order dito sa ating lungsod. Ngayon po kung mapapansin ninyo, intensified ang police visibility at kanila pong hangarin ng Manila Police District na habang lahat tayo ay natutulog sa gabi, sila po ay gising. Kaya po, maraming-maraming salamat sa China Xiao Jing Group (di po ako sure dito) sa pagbibigay nila o pagdodonate nila ng sampung motorcycle unit sa atin pong Manila Police District,” ani Lacuna.

“Ito po ay gagamitin natin sa ating tactical motorcycle riding unit na magpapatrolya lalung-lalo na sa gabi dito sa ating kalungsuran. Hindi lang po motorcycle kundi mobile patrols po ang ating nire-request ng ating mahal na mayos sa mga organizations na gustong magdonate sa ating Manila Police District,” pahayag ni PBGen. Andre Dizon.

Sinabi naman ni Dizon na may bahagyang pagtaas sa crime incidence sa Maynila.

“Last week, we recorded 11 crime incidents, for now we recorded 14,” ani Dizon.

 

Follow SMNI News on Twitter