PANGALAWA ang Manila sa Top 10 Cities sa buong mundo na may mababang ‘quality of life index’ sa pagtatapos ng taong 2024 ayon sa Serbian online platform na Numbeo.
Sa ulat, nasa 60.2 lang ang ‘quality of life index’ ng Manila.
Nangunguna naman sa listahan ang Lagos, Nigeria na may 19.2; pangatlo ang Tehran, Iran na may 61.8; Dhaka, Bangladesh na may 64.4; at pang-lima ang Ho Chi Minh City, Vietnam na may 71.7.
Ibig sabihin sa mababang ‘quality of life index’ ay ang kawalan ng sapat na housing, public transit at professionals na nagreresulta ng ‘brain drain’ sa isang bansa.
Ang pagkakaroon din ng mataas na crime rates ay isang factor dito na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang makapanghikayat ng kwalipikadong investors.
Sa kabilang banda, mula sa 263 na mga lungsod sa buong mundo na kasali sa listahan, pinaka-‘ideal’ o may pinakamataas na ‘quality of life index’ ang The Hague, Netherlands na may 228.9.
Sinundan ng Groningen na matatagpuan pa rin sa Netherlands matapos nakakuha ng 225.9; pangatlo ang Luxembourg, Luxembourg na may 219.9; pang-apat ang Eindhoven, na may 218.3; at Basel, Switzerland na may 217.