Manila target hub ng AirAsia para sa ASEAN-US flights

Manila target hub ng AirAsia para sa ASEAN-US flights

AMINADO si Tony Fernandes na maraming nag-akala na matatapos na ang AirAsia, ngunit ayon sa kaniya, patuloy pa rin silang lumalaban at handa nang muling umangat. Para kay Fernandes, ang Pilipinas ang kaniyang paboritong bansa na pagtrabahuan dahil sa sigla, potensiyal, at katapatan ng mga empleyado.

Pangunahing bahagi ng plano ng AirAsia ang pagiging sentro ng Maynila para sa mga biyahe patungong Amerika. Malaking tulong din ang lokasyon ng Pilipinas sa pagitan ng China, Japan, at Korea.

“And my dream which is now beginning to happen, we’ve just finished a meeting with Airbus as an update for Steve, is really that Manila should become our hub for ASEAN to the west and east coast of America. So, we are now kind of working towards building Kuala Lumpur and other hubs in ASEAN to build Doha and Dubai in this part of the world,” pahayag ni Tony Fernandes, CEO, Capital A | Acting Group CEO, AirAsia.

Mayroon na silang sapat na bilang ng mga eroplano, kasama ang A321neo, XLR, and LR, pati na rin ang A330-300s, para sa kanilang ambisyosong plano. Nilinaw rin ni Fernandes ang kanilang pangmatagalang layunin.

“So, my aim before I retire is to cover the world. Right now we’re covering Asia, we have about to start Europe and obviously we have Africa. America is in our sight. The only one that I have no visibility to is Latin America, but again Manila would be the right place for that to happen,” ani Fernandes.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble