HINDI maaatim ng Manila Water na magkaroon muli ng problema sa suplay ng tubig gaya noong El Niño sa taong 2018 hanggang 2019.
Ito ang sinabi ni Jeric Sevilla, ang corporate communications director ng Manila Water sa panayam ng SMNI News.
Nitong March 23, 2023 ay inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakikita nila ang pasisimula ng El Niño sa pagitan ng buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Posible pa rin itong aabot sa taong 2024.
Tugon ni Sevilla dito, magkakaroon sila ng water interruption subalit para lang ito sa facility maintenance bilang paghahanda sa tag-init.