Manila Zoo bubuksan sa Nov. 15 –Mayor Lacuna

Manila Zoo bubuksan sa Nov. 15 –Mayor Lacuna

INIHAYAG ni Manila City Mayor Honey Lacuna na magbubukas na sa Nobyembre 15 ang Manila Zoo.

Ito ay bubuksan para sa mga bata, magulang at matatanda mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Pero ayon sa lokal na pamahalaan hindi na ito libre tulad ng dati kasi mayroon ng rates o bayad ang pagpasok at pamamasyal sa Manila Zoo.

Bago makapasok sa Zoo kailangang nakapagparegister na at nakabayad na sila sa pamamagitan ng GCash.

Tiniyak naman ni Manila Zoo Head Pio Morabe na maliban sa mga mayroong dagdag na hayop silang ilalagay sa zoo tulad ng eagle ay magkakaron ng exhibition ang mga hayop.

Follow SMNI NEWS in Twitter