Manila Zoo, ilipat nalang sa Masungi Georeserve—Sen. Tolentino

Manila Zoo, ilipat nalang sa Masungi Georeserve—Sen. Tolentino

IMINUNGKAHI ni Sen. Francis Tolentino na ilipat nalang ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Paliwanag ng senador, kumpara sa urban district sa Manila, mas mapapangalagaan ang mga hayop sa zoo kung nailalapit ito sa kanilang orihinal na tirahan.

Sa katunayan, dahil nasa urbanized area ang Manila Zoo ayon kay Sen. Tolentino, namamatay ang lahat ng mga Giraffe dahil sa init, ingay at polusyon.

Para kay Masungi Georeserve Foundation Co-Founder Ann Dumaliang, isang magandang ideya ang mungkahi ng senador at bukas aniya silang gawin ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble