PLANO ng 44-year-old boxing champ at dating Sen. Manny Pacquiao na makalaban si silver medalist na si Eumir Felix Marcial.
Si Marcial ay nanalo ng silver medal sa 19th Asian Games sa China at nakatakda na itong sasabak sa 2024 Paris Olympics.
Target ni Pacquiao na magaganap ang kanilang laban dito sa Manila bago ang Paris Games sa katapusan ng Hulyo.
Excited naman si Eumir Marcial sa plano ng dating senator na nais siyang makalaban nito.
Humingi naman ng suporta si Marcial sa mga Pilipino sa kanilang magiging laban.
Nakatakda namang magtungo sa Estados Unidos si Marcial para sa kaniyang pagsabak sa Paris Olympics.